isang blog ang isinilang sa gitna ng pagkalamig na internet room ng ust central library

22.3.05

sayberserye iii

“Oui… That’s French for ‘yes’, right?”
Liz nodded.
“Okay…” Kaye continued excitedly, “Spirit, are you anywhere near us now?”
Liz felt cold beads of sweat on her forehead as the curtains drifted from the cold breeze that brushed through them.
“Aren’t you gonna sleep yet?” Rai, who has been watching silently by the door, asked. Her forehead creased a little as Liz glanced nervously at her, “I’m still not comfortable about the Ouija idea, guys.”
Kaye just shushed while Liz kept mum.
“Okay, I’m going. Just call me when they arrive” Rai hung her shoulders and walked away to the other room.
The planchette started to move around to the YES spot on the board. Liz closed her eyes and tried not to listen to her friend’s next question. Silence went on for a short while until…
“Spirit, could you give us a sign that you’re around?”
“Kaye!” Liz almost shouted, “Are you out of your mind?”
“Put your fingers back here and keep quiet.” Kaye hissed, “It’s just for fun’s sake, okay?”
Liz shook her head and prepared to stand up when she saw that the planchette had failed to answer and had not moved an inch. But after a while, it nudged.
Kaye held her breath, “I felt it shake…” She looked up shakily at her friend’s wanning face.
Liz felt her hands turning clammy, “Look, let’s stop this.”
Kaye hesitantly stirred away from the board when the candle they had set earlier to light the room suddenly went out.

21.3.05

okay, okay, ive broken my oath

aight. you see me typing again in english.
and aight, ive disregarded my vow to be bob ong's descendant!
but hey, this is the fastest way i could express my thoughts in cyberspace..

its forty after twenty three at the mo. aaron's grad blow out tomorrow. the day (and the days before obviously) has been very hectic. i helped repaint those garden and monobloc chairs outside. ive finished and hung the curtains. ive helped put on addional benches for the incoming guests. ive held sand and soil, paint and poo?..err not the last one...

well rai, LA, kaye, charles, jo all cant come tomorrow. stuff to do as well. stars. i wish acie could come anyway. or at least kim.

hey i dreamt of tidge the other night. we were really close there. i wonder where all of those hugs and hhww's and hand-to-waist things come from. no malice actually...just plain oh-hi-there-my-fuzzy-wuzzy-cousin...sheesh... anyway, that was my second dream of tidge. the first one was a lot different. but i remember seeing him with big hair. total afro. LA was even there. aight. swooning over him. darn.

ive checked on friendster and have seen some of my elementary classmates. i tried to add them ... hope they could still recall me...or if not...well, at least i hope they approve my request...

ahm...oh, im darn disappointed of the People's Champ's match yesterday. tsktsk...but i still admire his strentgh to be honest. in fact, ive adored him even more coz he never gave the fight up inspite of that deep cut from el terible's headbutt...oww...seven grueling rounds after the blood gush from near his eye, the Destroyer was still up, boxing till the finish. and it was a really close fit...1/13 and 1/15...pacman--officially my idol...

guess it ends here. see ya around again. nite.


PS. creatures have been reading my blog! blimey! =D

15.3.05

this has got to be my longest entry so far!!

come on, lemme type in english just today
im so darn tired i just wanna sleep all my tuesday away!
but i cant, chem's still holding my life...
oh well, gotta split...
ohugottalemmedreamaboutmarcus!

13.3.05

nabusog ako...ulit

mag-isa ako sa bahay ngayon. galing kasi ako sa uste kanina. di na ako sumama kina mami papuntang cavite. kinailangan nga kasi ako para sa riserts peyper namin sa Ingles. wala rin namang nangyari, iniwan ko na lang yung mga parapernalya namin kina ste. alas dos ay nasa bahay na ako. at dahil gutom na ang kuripot at di marunong magluto na si ako, nagpasya akong maghanap ng mga bagay-bagay sa prijider na pwede kong ulamin nang painit-init lang ang kailangan. may malamig na manok at konting hamon. ayun. buti may alam naman ako sa pagsasaing. nakakain rin ako nang matiwasay. alas tres na nang chumibog ako.

hindi ko nga lang lubusang nagustuhan dahil sa palagay ko ay nabusog na naman ako. wala sa plano ko ang mabusog. nung biyernes pa kasi ako nabubusog eh. wag mo akong pag-isipan ng masama. tunay ngang walng masama sa pagiging may laman ang tiyan. sa katunayan ay sumasang-ayon ako na biyaya ang bagay na iyon. ngunit hindi ko nga lang talaga gustong maramdamang busog ako. okey na yung kumain nang maayos pero wag ang pakiramdam ng mabigat na tiyan. hindi dahil iniisip kong baka lalo ko pang dagdagan ang timbang ko... ayoko lang talaga. yun na yon.

gayunpaman, tenk yu po, Lord God...sa malamig kong manok, manipis kong hamon, at sa kanin kong lata...

sayberserye ii

Rai gasped at the sight of the familiar trunk in front of her cousin, “Oh no you didn’t…”
“Yes I did.” Kaye, who had always been the mischievous one in the family, smiled in triumph as she opened the lid of the chest, “Wow…this is a beauty.”
“It’s an Ouija…” Liz sat beside Kaye and looked closely at the board that seemed very old and mysterious, “That’s quite a find…Are we playing?” Liz constantly loved thrill although she was oftentimes the one to back out early during challenges.
“Of course!” Kaye beamed, “C’mon Rai, let’s get this going.”
“Uh…” Rai shook her head, “No thanks. I’ll be sleeping in while anyway.”
“Alright; suit yourself.” Kaye knew better than to force her cousin who always stayed away from ‘potential trouble’. The former held the planchette and marveled at it as she placed it over the board. What could happen at 10 o’clock anyway? She thought.

“It moved.”
“It did not…”
Kaye raised her voice a little, “It did. Would you just watch carefully?”
Liz fell silent as her friend asked if the spirit they had ‘trapped’ was either male or female.
“Masculin?” Kaye snorted, “Oh well, he must have missed the letter ‘e’ in the end of the word. They say it’s tiring for spirits to push the planchette around… At least we know it’s a ‘he’.”
“Masculin is French for ‘male’.” Liz whispered.
“Oh?” Kaye smiled, “Wow, we got La Français then?”
The planchette moved to spell O-U-I.
“Oui… That’s French for ‘yes’, right?”
Liz nodded.

12.3.05

mag-aalasdose na

tama. malapit nang mag-alas dose. galing kaming es-em kanina lang. kinailangan ko lang talagang mag-onlayn para sa conferencia ko at ng aking mga ka-pangkat sa Ingles. pinag-usapan lang yung tungkol sa riserts peyper namin.aapat lang naman din kaming nanduon kanina. di pa sumasagot si ste.kaya ayun, si jim at chris lamang ang nakachokaran ko nang saglit. wala rin masyadong nangyari gaya ng inaasahan. pero bukas na lang daw ng alas-onse magkikita sa oreynj pleys para matapos na ang trabaho.

sampung minuto na lang ang hinihintay ng orasan ng aking kompyuter bago maghatinggabi. nakabukas ngayon sa isa pang bintana ang frendster at isang onlayn ridel geym naman sa kabila. eksayted na akong sumagot! whoopee!..
uy! uy! lebel tu na ako sa zest! medyo nakakatakot yung litrato ah...kinakabahan ako...pero oks to, astig... tenk yu, bagwis! matutulog na ako mamayang konti...magsisimba kasi kami ng alas-sais bukas di ba?

nga pala, oo, dumating si mommy nung huwebes. nakakatuwa, naunahan ko pa sina dadi nun kahit ako yung nanggaling sa uste. mga sampung minuto din akong naghintay sa tapat ng casino. ayos naman ang dating ni momy. andun na siya sa labas nang dumating kami sa paliparan kung kaya't wala nang pahirapan. *o, alas-dose na!*

nung biyernes naman (hindi ba't lagpas alas-dose na kaya linggo na ngayon?), siyempre pumasok ako sa uste para kumuha ng pagsusulit sa sosyolohiya. andun na ako ng alas-siete kahit alas-siete-y-media talaga ang oras ng pagkuha noon. noong miyerkules kasi, pinagsaraduhan kami ng pinto ng aming propesor nang mahuli kami ng limang minuto sa kadahilanang hindi namin alam kung saang silid gaganapin ang klase niya. nanigurado na uloy ako noong biyernes. pagkatapos noon ay inakala kong makaasibat at makakauwi na ako. ngunit mayroon pa palang programang dapat panoorin sa med odi. kaleyj event daw kaya kailangan ang aming presensya. halos magmukmok ako noon habang nanonood. buti na lang kahit paano ay sumayaw si kuya paul. medyo okey na. pero inis pa rin ako. atat akong umuwi para mag-duty fri. kaya tinulugan ko na lang ang programa at nagising na lamang ako nang ang dean na namin ang nagsasalita. patapos na. whoopee! sigaw ng damdamin ko...

duty fri. konti lang ang binili dahil wala naman talaga sa plano naming mamimili ng sankaterbang mamahaling tsokolate doon na pwede mo rin namang mabili sa es-em. kaya ayun. konting hershey's, iilang cadbury, at dalawang dosenang cheezmania lamang ang laman ng aming kart doon. samahan mo na rin pala ng kakarampot na de lata at chicharia na pinansaid sa dala naming maliit na halaga.
pagkatapos noon, uniwide na. groseris. dun kami nagtagal. gaya ng inaasahan ko, sandamakmak na kabagayan ang binili doon. hindi iyon masama. ganun lang talaga ang nakagawian namin. alas-otso na kami nakauwi noon. pagod. sobra.

kahapon naman, nag-es-em nga kami. nagpa-trim ako at nagyo'y wala na ang pagkarami kong isplit ends. yay! gabi na rin nakauwi. alas-nuwebe. doble pagod.

kaya ngayon, magpapahinga na ako. may lakad na naman bukas. hektik. iba na talaga kapag selebriti. gudnayt na ha. zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz.....................................zz.....

7.3.05

relihiyon

lunes nanaman. panibagong simula, sabi nga nila. panibagong pag-suong sa kalsada, sabi ko. bukod pa doon, panibagong mga takdang-aralin at pagpapasakit na naman sa paaralan. haay...

buti na lang malapit nang umuwi si mommy. sa huwebes na yon. tatlong tulog na lang. naalala ko noong kabataan ko *kahit na bata pa naman ako ngayon* na tuwing darating ang aking mommy para magbakasyon dito sa Pilipinas, binibilang ko sa aking mga daliri kung ilang gabi na lang ang nalalabi bago kami magkitang muli, matapos ang halos o higt labindalawang buwan. ngayon ay nauulit na naman iyon. sa katunayan ay mas kapanapanabik para sa akin ang uwi niya ngayon sapagkat ako'y nasa kolehiyo na nga at inaasahan niyang mas marami akong maikukuwento sa kanya...

maaari nga. higit pa sa isandaan at isang bahagdan...

kakain na ako. hinihintay na ako nina joan at charles.

siya nga pala...ako'y nasa ikalimang palapag ng aklatang sentral ng unibersidad ng Santo Tomas--dito sa seksyong panrelihiyon...

6.3.05

sayberserye

sapagkat nauuso ngayon ang kung ano-anong klaseng serye...
at dahil tinatamad akong mag-theo, eto ang handog ko para sa inyo...

DISKLEYMER:
ang sumunod na kuwento ay hindi tunay na naganap sa buhay ng mga tauhan at pawang katha ko lamng ang lahat para sana sa writing contest ng true philippine ghost stories noong nakaraang taon...di ako nanalo eh...kaya eto...
PS: patawad sapagkat ito'y nasa-ingles...

La Mémoire

“Hey, where’s Kaye?” Rai sipped her hot chocolate and glanced at her friend whose eyes were glued at the TV screen in front of them.

The setting: One quiet night at Kaye’s ancestral home in the province where her grandmother lived. Her favorite cousin, Rai, and Liz, who was best friend to both girls, were staying in the pad for a week to celebrate their graduation from secondary school. Kaye’s elder brother, Chad, her mom, Mrs. Vera, and her grandma, whom the girls fondly called Nan, all drove to another relative’s place earlier that evening and left the house to the three.

“Hello—o…” Rai waved her hand in front of Liz.
“Yeah…uh…what?”
Rai shook her head and crossed her arms, “So what are you watching?”
“Um…” Liz pulled a throw pillow and hugged it, “Some horror flick…”
Rai yawned and rested her head over one side of the couch. She was about to close her eyes to doze off when she felt something frosty on her shoulder. She wouldn’t have minded it had it not sent prickly shingles over her spine. Rai bolted up and looked around--Nothing but Liz who was peeking at the boob tube through the slits of her fingers.
“I found it!” Kaye’s voice broke Rai’s thoughts.
Both girls in the living room got to their feet and ran upstairs. They found Kaye in the Master bedroom, sitting on the floor, duvets and pillow cases sprawled around her.
“Found what?” Liz asked her friend.
Rai gasped at the sight of the familiar trunk in front of her cousin, “Oh no you didn’t…”

**itutuloy**
..nyahakhakhakhakhak...

5.3.05

sa aking tahanan

ako ngayon ay wala sa ust. sa katunayan, narito ako ngayon sa aming tahanan sa paranaque. isang pagkakataon ito na sa tingin ko ay matagal na panahon bago maulit.
malamang nasisiraan nga ako ng ulo sapagkat heto ako ngayon sa harapan ng kompyuter at gumagawa nito sa kabila ng sankaterbang dapat kong pag-aralan at tapusin para sa mga huling araw namin ngayong semestre sa unibersidad. ngunit sinusulit ko lang naman ang internet kard kong pldt vibe, na nanlugi sa akin ng malaki...at ang tunay na pakay ko ay maghanap ng retrato para sa proyekto ko sa teologia.
kung kaya't ngayon ay aalis na ako nang pansamantala.
sa susunod na, pag nasa aklatang sentral na ako...
adios!

3.3.05

sa wakas

sa wakas.
natapos na rin ang isang linggong pighati ko. nakita mo naman siguro sa aking huling mensahe ang naging kinahinatnan ng mga kaganapan sa aking buhay estudyante noong nagdaan. akalain mong naging primyadong inglesera ako doon...

nakabibilib.

minsan kasi, mas nagiging madali para akin ang pagsulat kapag nasa ingles. hindi ako nagmamayabang. mahal ko ang aking pagka-pilipino. ngunit sadyang may mga isyung mas kaya kong bigyan ng buhay kapag isinulat ko na sa banyagang wika na ito. muli, nais kong linawin na ako ay tunay na may dugong pilipino. kahit minsan ako'y nangarap ding maging ingles , mas masaya naman ako sa pagiging pilipino ko. mabuhay ang pilipinas! ngayon ay ipinapayo ko sa iyo na dumiretso na sa sumunod na talata sapagkat nagsasayang ka lamang ng panahon sa pagbabasa ng isang usaping hindi ko naman talaga nais talakayin.

ngayon ay huwebes na. nakamamanghang isipin na matatapos na naman ang linggo. nakakatuwang isipin na matatapos na namin ang semestreng ito sa loob ng dalawang linggo na lamang.

yahoo! ang sigaw ng mga kabataang nais nang lumaya mula sa mahihigpit ng kapit ng kemistri, pisika, narsing pangkomunidad, etcetera etcetera.

yahoo! ang sigaw ng mga propesor na sa wakas ay lalayuan na pansamantala ng mga naglalakihang tinik sa kanilang lalamunan.

waah! ang hiyaw ng mga kainan, dormitoryo, at taga-siroks sa paligid ng unibersidad na mawawalan ng mga kostumer ngayong bakasyon.

sa wakas. konti na lang at makakatulog na ako nang mas matagal.